Haliging Walang Pundasyon

Unti-unting naghihilom ang lungkot na hindi panandalian, 

Kundi maluwat na pagkakaposas na nagkulong sa kanya sa mahabang panahon

Ang kanyang mga itim na hiblang sabog-sabog at bihira kung masuklay ay nagbalik sa pagkakaitim at pagkakakintab,

Luminis tignan ang mga damong singpuro ng pusong nagkubli ng pagsisisi, pagkalumbay, takot, at pangamba,

Ang naghalong itim at puting balahibong umusbong sa kanyang daluyan ng luha ay malinis na nagsilisan na tila may bagong pag-asang haharapin

Nanumbalik ang sigla ng mukhang noon ay bakas ang pagkahina, 

Ang dating mga matang nagsusumamo’t nangangamba ngayo’y panatag na

Ang bigat ng dalawang dahong baliktaran sa ilalim ng matatangos na bundok na malamyang nakatiwangwang ay pawang nagsigaanan,

Marunong nang ngumiti ang dalawang dahon

Ang kanyang pagngiti ay ang pagkasigla ng aking puso at pagkabuhay ng aking pangarap,

Ang aking ama’y nagbalik na;

Author: emptylits

In behalf of any sentiments; joyful nor woeful, I will still write empty literatures.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s